TITHES MAYROON PA BA SA NEW TESTAMENT? WALA NA!! AYON NA LANG SA IDINIDIKTA NG PUSO SO PWEDENG GREATER THAN IKAPU OR LESS THAN IKAPU (DICTATE OF YOUR HEARTS)

GENESIS 14:18-24

18 At si Melquisedec, na hari sa Salem, ay naglabas ng tinapay at alak; at siya’y saserdote ng Kataastaasang Dios.

19 At binasbasan niya siya na sinabi, Pagpalain si Abram ng Kataastaasang Dios, na may-ari ng langit at ng lupa:

20 At purihin ang Kataastaasang Dios, na nagbigay ng iyong mga kaaway sa iyong kamay. At binigyan siya ni Abram ng ikasangpung bahagi ng buong samsam.

21 At sinabi ng hari sa Sodoma kay Abram, Ibigay mo sa akin ang mga tao at kunin mo sa ganang iyo ang mga pag-aari.

22 At sinabi ni Abram sa hari sa Sodoma, Itinaas ko ang aking kamay sa Panginoong Dios na Kataastaasan, na may ari ng langit at ng lupa.

23 Isinumpa kong hindi ako kukuha maging isang sinulid, o maging isang panali ng pangyapak, o ng anomang nauukol sa iyo, baka iyong sabihin, Pinayaman ko si Abram:

24 Liban na lamang ang kinain ng mga binata at ang bahagi ng mga lalaking kinasama ko; si Aner, si Eschol, at si Mamre, ay pakunin mo ng kanilang bahagi.

DEUTORONOMY 14:22-26 PAMILYA MO DIN ANG MAKIKINABANG NG IKAPU!!!!!!

22 Iyo ngang pagsasangpuing bahagi ang lahat na bunga ng iyong binhi na nanggagaling taontaon sa iyong bukid.

23 At iyong kakanin sa harap ng Panginoon mong Dios, sa dakong kaniyang pipiliin na patatahanan sa kaniyang pangalan, ang ikasangpung bahagi ng iyong trigo, ng iyong alak at ng iyong langis, at ang mga panganay sa iyong bakahan at sa iyong kawan; upang magaral kang matakot sa Panginoon mong Dios na palagi.

24 At kung ang daan ay totoong mahaba sa ganang iyo, na ano pa’t hindi mo madadala, sapagka’t totoong malayo sa iyo ang dako, na pipiliin ng Panginoon mong Dios na paglalagyan ng kaniyang pangalan, pagka ikaw ay pagpapalain ng Panginoon mong Dios:

25 Ay iyo ngang sasalapiin, at iyong itatali ang salapi sa iyong kamay at paroroon ka sa dakong pipiliin ng Panginoon mong Dios:

26 At iyong gugulin ang salapi sa anomang nasain mo sa mga baka, o sa mga tupa, o sa alak, o sa matapang na inumin, o sa anomang nasain ng iyong kaluluwa: at iyong kakanin doon sa harap ng Panginoon mong Dios, at ikaw ay magagalak, ikaw at ang iyong sangbahayan;

Mateo 23:23

23 Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! sapagka’t nangagbibigay kayo ng sa ikapu ng yerbabuena, at ng anis at ng komino, at inyong pinababayaang di ginagawa ang lalong mahahalagang bagay ng kautusan, na dili iba’t ang katarungan, at ang pagkahabag, at ang pananampalataya: datapuwa’t dapat sana ninyong gawin ang mga ito, at huwag pabayaang di gawin yaong iba.

MGA GUGULAYIN!

Luke 11:42

Datapuwa’t sa aba ninyong mga Fariseo! sapagka’t nagbibigay kayo ng ikapu ng yerbabuena, at ng ruda, at ng bawa’t gugulayin, at pinababayaan ninyo ang katarungan at ang pagibig ng Dios: datapuwa’t dapat ngang gawin ninyo ang mga ito, at huwag pabayaan di ginagawa ang mga yaon.

2 Tesalonica 3:10

10 Sapagka’t noon pa mang kami ay kasama ninyo, ay aming iniutos ito sa inyo, Kung ang SINOMAN ay AYAW GUMAWA, AY HUWAG DIN NAMANG KUMAIN.

2 Corinto 9:7 – MAGBIGAY NG NAAYON SA PUSO

7 Magbigay ang bawa’t isa ayon sa ipinasiya ng kaniyang puso: huwag mabigat sa loob, o dahil sa kailangan: sapagka’t iniibig ng Dios ang nagbibigay na masaya.

MGA TANONG:

1. NAGIKAPU-BA SILA PABLO AT MGA ALAGAD? ILABAS ANG TALATA

2. SA MATTHEW 23:23, LUKE 11:42 pera ba ang yerbabuena, anis at mga gugulayin?

Leave a comment