Posts Tagged ‘10percent’

HINDI NA KAILANGAN ANG “IKAPU” OR “10%” SA NEW TESTAMENT WHY? MGA SCAMMER NA TAWAG DIYAN? HOY GISING!!!!

MALACHI 3:8-10 – PANAKOT SA MGA TAO PARA MAPUWERSANG MAGBIGAY NG IKAPU NANAKAWAN NYO BA NG “PERA” DIOS?

8 Nanakawan baga ng tao ang Dios? gayon ma’y ninanakaw ninyo ako. Nguni’t inyong sinasabi, Sa ano ka namin ninakawan? Sa mga ikasangpung bahagi at sa mga handog.

9 Kayo’y nangagsumpa ng sumpa sapagka’t inyo akong ninakawan, sa makatuwid baga’y nitong buong bansa.

10 Dalhin ninyo ang buong ikasangpung bahagi sa kamalig, upang magkaroon ng pagkain sa aking bahay, at subukin ninyo ako ngayon sa bagay na ito, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, kung hindi ko bubuksan sa inyo ang mga dungawan sa langit, at ihuhulog ko sa inyo ang isang pagpapala, na walang sapat na silid na kalalagyan.

11 At aking sasawayin ang mananakmal dahil sa inyo, at hindi niya sisirain ang mga bunga sa inyong lupa; ni malalagasan man ng bunga sa di panahon ang inyong puno ng ubas sa parang, sabi ng Panginoon ng mga hukbo,

12 At tatawagin kayo ng lahat na bansa na mapalad: sapagka’t kayo’y magiging maligayang lupain, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.

13 Ang inyong mga salita ay naging lapastangan laban sa akin, sabi ng Panginoon. Gayon ma’y inyong sinasabi, Sa ano kami nangagsalita ng laban sa iyo?

14 Inyong sinabi, Walang kabuluhan ang maglingkod sa Dios; at anong kapakinabangan nito na ating iningatan ang kanyang bilin, at tayo’y nagsilakad na may pananangis sa harap ng Panginoon ng mga hukbo?

15 At ngayo’y ating tinatawag ang palalo na mapalad, oo, silang nagsisigawa ng kasamaan ay nangagtayo; oo, kanilang tinutukso ang Dios, at tumatakas.

16 Nang magkagayo’y silang nangatatakot sa Panginoon ay nagsangusapan: at pinakinggan ng Panginoon, at dininig, at isang aklat ng alaala ay nasulat sa harap niya, para sa kanila na nangatakot sa Panginoon, at gumunita ng kaniyang pangalan.

17 At sila’y magiging akin, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, sa araw na aking gawin, sa makatuwid baga’y isang tanging kayamanan; at akin silang kaaawaan, na gaya ng isang tao na naaawa sa kaniyang anak na naglilingkod sa kaniya.

18 Kung magkagayo’y manunumbalik kayo at makikilala ninyo ang matuwid at ang masama, yaong naglilingkod sa Dios at yaong hindi naglilingkod sa kaniya.

Jeremias 23:30 Ang Dating Biblia (1905)

30 Kaya’t narito, ako’y laban sa mga propeta, sabi ng Panginoon, na ninanakaw ng bawa’t isa ang aking mga salita sa kaniyang kapuwa.

GENESIS 14:17-24 – AYAW KUMUHA NI ABRAHAM SA IBINIGAY NIYA KAY MELCHIZEDEC (YESHUA/JESUS) NA HIGH PRIEST NG KATAASTAASANG DIOS (I AM) BASA…..

17 At nilabas na sinalubong siya ng hari sa Sodoma pagkatapos na siya’y magbalik na mula sa pagpatay kay Chedorlaomer, at sa mga haring kasama niya sa libis ng Shave (na siyang libis ng hari).

18 At si Melquisedec, na hari sa Salem, ay naglabas ng tinapay at alak; at siya’y saserdote ng Kataastaasang Dios.

19 At binasbasan niya siya na sinabi, Pagpalain si Abram ng Kataastaasang Dios, na may-ari ng langit at ng lupa:

20 At purihin ang Kataastaasang Dios, na nagbigay ng iyong mga kaaway sa iyong kamay. At binigyan siya ni Abram ng ikasangpung bahagi ng buong samsam.

21 At sinabi ng hari sa Sodoma kay Abram, Ibigay mo sa akin ang mga tao at kunin mo sa ganang iyo ang mga pag-aari.

22 At sinabi ni Abram sa hari sa Sodoma, Itinaas ko ang aking kamay sa Panginoong Dios na Kataastaasan, na may ari ng langit at ng lupa.

23 Isinumpa kong hindi ako kukuha maging isang sinulid, o maging isang panali ng pangyapak, o ng anomang nauukol sa iyo, baka iyong sabihin, Pinayaman ko si Abram:

24 Liban na lamang ang kinain ng mga binata at ang bahagi ng mga lalaking kinasama ko; si Aner, si Eschol, at si Mamre, ay pakunin mo ng kanilang bahagi.

DEUTORONOMY 14:22-27 – SAMBAHAYAN DIN NG NAG-IIKAPU ANG SIYANG KUMAIN AT NAGPAKASARAP SA KANILANG IKAPU KASAMA MGA LEVITA (KAPATID NG 11 TRIBES ITINALAGA KASI LEVITA NA MAGLINGKOD SA TEMPLO MGA KAPATID INUULIT KO)

22 Iyo ngang pagsasangpuing bahagi ang lahat na bunga ng iyong binhi na nanggagaling taontaon sa iyong bukid.

23 At iyong kakanin sa harap ng Panginoon mong Dios, sa dakong kaniyang pipiliin na patatahanan sa kaniyang pangalan, ang ikasangpung bahagi ng iyong trigo, ng iyong alak at ng iyong langis, at ang mga panganay sa iyong bakahan at sa iyong kawan; upang magaral kang matakot sa Panginoon mong Dios na palagi.

24 At kung ang daan ay totoong mahaba sa ganang iyo, na ano pa’t hindi mo madadala, sapagka’t totoong malayo sa iyo ang dako, na pipiliin ng Panginoon mong Dios na paglalagyan ng kaniyang pangalan, pagka ikaw ay pagpapalain ng Panginoon mong Dios:

25 Ay iyo ngang sasalapiin, at iyong itatali ang salapi sa iyong kamay at paroroon ka sa dakong pipiliin ng Panginoon mong Dios:

26 At iyong gugulin ang salapi sa anomang nasain mo sa mga baka, o sa mga tupa, o sa alak, o sa matapang na inumin, o sa anomang nasain ng iyong kaluluwa: at iyong kakanin doon sa harap ng Panginoon mong Dios, at ikaw ay magagalak, ikaw at ang iyong sangbahayan;

27 At ang Levita na nasa loob ng iyong mga pintuang-daan, ay huwag mong pababayaan: sapagka’t siya’y walang bahagi ni mana na kasama mo.

Mateo 23:23 – ANG IKAPU NA YERBABUENA, ANIS AT KOMINO MGA PERA BA ITO? BASA PINAGAGALITAN NA SILA NI JESUS DITO.
Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! sapagka’t nangagbibigay kayo ng sa ikapu ng yerbabuena, at ng anis at ng komino, at inyong pinababayaang di ginagawa ang lalong mahahalagang bagay ng kautusan, na dili iba’t ang katarungan, at ang pagkahabag, at ang pananampalataya: datapuwa’t dapat sana ninyong gawin ang mga ito, at huwag pabayaang di gawin yaong iba.

TO BE FAIR SA MGA PASTOR NASUSULAT: 

1 Corinto 9:9
Sapagka’t nasusulat sa kautusan ni Moises, Huwag mong lalagyan ng busal ang baka pagka gumigiik. Ang mga baka baga ay iniingatan ng Dios,

1 Timoteo 5:18
Sapagka’t sinasabi ng kasulatan, Huwag mong lalagyan ng busal ang baka pagka gumigiik. At, ang nagpapagal ay karapatdapat sa kaupahan sa kaniya.

LOVE YOUR PASTOR O MGA LEADER SUPORTAHAN PERO MAGING MATALINO NA LANG KAYO KUNG SAAN NAPUPUNTA ANG MGA ABULUYAN NINYO KUNG SA SARILI NIYA LANG BA O KASAMA ANG MGA KAANIB NG IGLESIA NAKIKINABANG AT ITINUTURING NA KASAMBAHAY AT WALANG NAGHIHIRAP SA MGA MIYEMBRO NG INYONG IGLESIA. IDERETCHO NA NINYO SANA SA MGA KAPATIRANG NANGANGAILANGAN O SA INYONG MGA PAMAYANAN NASUSULAT: 

Mateo 25:40
Ang Dating Biblia (1905)
40 At sasagot ang Hari at sasabihin sa kanila, Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Yamang inyong ginawa sa isa dito sa aking mga kapatid, kahit sa pinakamaliit na ito, ay sa akin ninyo ginawa.



2 Corinto 9:7
Ang Dating Biblia (1905)
7 Magbigay ang bawa’t isa ayon sa ipinasiya ng kaniyang puso: huwag mabigat sa loob, o dahil sa kailangan: sapagka’t iniibig ng Dios ang nagbibigay na masaya.

HUWAG PADADAYA SA MGA SCAMMER NG MGA PASTOR or LEADER NA IPINANGANGALAKAL NA ANG MGA TAO

2 Pedro 2:3
At sa kasakiman sa mga pakunwaring salita ay ipangangalakal kayo: na ang hatol nga sa kanila mula nang una ay hindi nagluluwat, at ang kanilang kapahamakan ay hindi nagugupiling.


ANG AYAW MAGTRABAHO HUWAG PAKAININ!!

2 Tesalonica 3:10
Ang Dating Biblia (1905)
10 Sapagka’t noon pa mang kami ay kasama ninyo, ay aming iniutos ito sa inyo, Kung ang sinoman ay ayaw gumawa, ay huwag din namang kumain.


MGA NAGDIDILDIL NA SA ASIN!! KINUKUHANAN NYO PA NG IKAPU OR 10% MAAWA NAMAN SANA ANG MGA TINATAMAAN SA BLOG NA ITO!!

SANA KAPAG NAKAKOLEKTA KAYO ITULONG NYO SA MGA KASAMAHAN NINYONG MGA NAGHIHIRAP.

AMEN!!